Kit

Kit nakalaya na, Ana tuloy ang demanda

March 22, 2022 Aster Amoyo 348 views

AnaNAKALABAS na sa pagkaka-detain mula sa Tagaytay Police Station ang Kapamilya actor na si Kit Thompson last Monday, March 21 at about 5 p.m. matapos itong makapag-piyansa dahil sa ginawa umano nitong pisikal na pananakit at illegal detention sa kanyang kasintahang si Ana Jalandoni sa kanilang tinuluyang hotel in Tagaytay City last Friday, March 18 habang dinala naman sa Tagaytay Medical Hospital ang sexy actress for treatment.

Last Sunday, March 20, ibinahagi ni Ana sa kanyang Instagram account ang flower arrangement na kanyang tinanggap mula sa kanilang management ni Kit, ang Cornerstone Entertainment which she posted.

Although nakalaya na si Kit matapos itong mag-post ng bail, desidido umano si Ana na kasuhan ang kanyang kasintahan dahil sa pananakit sa kanya.

QuizonRobin hiwalay na kay Zia, may iba na

HIWALAY na pala ang magkasintahang Robin Nievera (35) at Zia Quizon (30) pero tikom ang bibig ng dating magkasintahan maging ang kanilang respective families.

Si Robin ay panganay sa dalawang anak ng dating mag-asawang Martin Nievera at Pops Fernandez habang si Zia ay anak ng namayapang Comedy King na si Dolphy sa Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Ang buong akala nga ng marami ay muuwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa lalupa’t masaya for them ang kanilang respective families and friends.

Sa pagkakaalam namin, Robin is currently based in Los Angeles, California, USA habang nasa Pilipinas si Zia and is said to have found another guy.

Samantala, bukod kay Robin ay nasa Amerika din ngayon ang younger brother niyang si Ram at ito’y naka-base in Las Vegas, Nevada

The two grown up sons of estranged couple Martin and Pops are also close with their dad’s ex-girlfriend na si Katrina Ojeda (also based in Las Vegas) and her son na si Santino.

Kung si Katrina ang naging dahilan noon ng paghihiwalay ng dating mag-asawang Martin at Pops, the former and the latter are now close with each other na animo’y walang naging matinding problema sa kanilang pagitan noon. Close din si Pops sa present girlfriend ng kanyang ex-husband na si Anj.

Martin and Pops have maintained their being close friends dahil na rin sa kanilang mga anak na sina Robin and Ram.

Samantala, the Concert Queen is preparing for her 40th year anniversary concert next year at natitiyak namin na isa si Martin sa kanyang mga special guest performers.

Kahit matagal nang hiwalay sina Martin at Pops, they remain a `loveteam’ on stage to their loyal fans na patuloy na humihirit for a reunion or Valentine concert next year.

AlexaAlexa at KD may TV series na

ANG Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal ang producer ng kauna-unahang iWant TFC original series na “Run to Me” na tatampukan ng bagong tambalan nina KD Estrada at Alexa Ilacad, ang KDLex na pamamahalaan ni Dwein Ruedas Baltazar. Ito ang first team-up ng dalawa (in a series) matapos nilang lumabas sa bahay ni Kuya last December.

Kung matatandaan pa, sina KD ay Alexa ay parehong naging housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10. Sa loob pa lamang ng bahay ni Kuya ay naging close na ang dalawa dahil sa kanilang common passion, ang musika. Naging extra close ang dalawa sa kanilang paglabas sa PBB house at hindi nila ikinakaila ang kanilang fondness sa isa’t isa.

Ang “Run to Me” na isa na namang iWant TFC original ay tatampukan din nina Nikki Valdez, Malou Crisologo, CJ Navato, Karl Gabriel, Ivan Carapiet, ,Margaux Montana, Henz Villaraiz,Matty Juniosa. Sean Tristan, at Haira Palaguitto.

Kung ang tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang itinuring na breakthrough love team nung isang taon, inaasahan na ganoon din ang mangyayari kina KD at Alexa sa taong ito.

It was last Monday, March 21 nang magkaroon ng story conference ang bumubuo ng cast at ang production group ng “Run to me”.

Alexa turned 22 last February 26 habang si KD is turning 20 sa darating na May 3.

Jeron nag-propose na sa girlfriend

NAUNAHAN pa ng basketball player na si Jeron Teng (28) ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jeric Teng (31) na mag-propose sa kanyang longtime girlfriend na si Jeanine Beatrice Tsoi na itinaon sa 28th birthday ng cager nung nakaraang March 21 (Monday).

Isinuot pa ni Jeron ang kanyang collegiate jersey bilang miyembro noon ng De la Salle Green Archer nang siya’y mag-propose sa kanyang kasintahan.

The engaged couple met in 2014 sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 77.

Jeron now plays for Alaska Aces.

Bukod kay Jeric, Jeron has two sisters na sina Almira at Alyssa Teng. Anak sila nina Alvin at Susan Teng.

Personal

OUR heartfelt condolences to the family of the late Eunice Montes, my favorite high school teacher and also to the family of Dinah Sabal Ventura for her dad in law’s passing, Juanito `Sonny’ Tobias Ventura.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE