WHAT'S NEW

SEE ALL
Alexa

Alexa, beast mode sa panlalait ng netizens

May 4, 2023 Vinia Vivar 313 views

Hindi naiwasang maging beast mode ni Alexa Ilacad habang binabasa at sinasagot ang mga toxic comment ng netizens sa Hot Summer Lahot Sexy video na inilabas ng Star Magic.

Ang titindi ng mga comment pero hindi nagpatalo si Alexa at sinagot ito lahat nang bonggang- bongga. In fairness, ang gaganda ng sagot ng aktres at kitang-kita that sheโ€™s really intelligent.

Tulad na lang sa isang comment na โ€œnag two-piece ka pa, eh, ang taba-taba mo naman.โ€

Sey ni Alexa, โ€œNakaka-beast mode!โ€

Dagdag pa niya, โ€œOh, my God, that is so mean.โ€

Ayon kay Alexa hindi dapat pakialam ng ibang tao kung ano ang gusto nating isuot.

โ€œPaki natin kung anong gustong isuot ng mga tao. Thatโ€™s all. You know what Iโ€™m saying? Bakit tayo nangigialam sa suot ng ibang tao? โ€˜Di ba?

โ€˜Di naman tayo ang nagpapakain sa kanila, hindi naman tayo ang bumili ng damit nila. Hindi naman ikakasira ng buhay mo kung nag-two-piece sila. So, why the violent reactions?โ€

Inamin din niyang isa sa talagang hindi niya nagustuhan ay ang komento na โ€œhindi na ako magtataka kung nababastos si Alexa. She deserves it because sheโ€™s asking for it kasi lagi siyang naka-swimsuit.โ€

Simulang reaksyon ni Alexa, โ€œโ€™Yung mga swimsuit ko, honestly, always one piece, wala namang kita. Kasi prefer ko โ€˜yun.โ€

Kaya nang mabasa niya ang komentong โ€˜yun, talagang umusok siya sa galit.

โ€œI was mad. I was fuming mad like alam mo โ€˜yung cartoons na lumalabas sa ears โ€˜yung hangin at sa nostrils? Ganuโ€™n โ€˜yung naramdaman ko.

โ€œKasi napaka-toxic, napaka-shallow nuโ€™ng ganuโ€™ng thinking. And siya โ€˜yung bastos! TBH (to be honest)! โ€˜Di ba, wala sa pananamit โ€˜yung dahilan? Hindi โ€˜yun dahilan kung bakit nababastos ang mga tao, mga babae,โ€ sabi ni Alexa.

Patuloy niya, โ€œKaya nababastos ang mga babae, kasi may bastos. โ€˜Yun lang โ€˜yun. Damit lang โ€˜yun.โ€

Para sabihing deserved niya ang mabastos dahil sa kanyang suot, grabe naman daw.

โ€œHindi naturuan ng tama. Kailangan niya si Lord. โ€˜Yun lang,โ€ aniya.

At the end of the video ay nahingan si Alexa ng mensahe para sa lahat.

โ€œPlease be kinder. Please. The world needs it. Sabi nga ni Ariana Grande, masyado na tayong comfortable commenting about someone elseโ€™s body, talking about other peopleโ€™s bodies, and what we want to see in other bodies, how we think it should look like, things we want to project on other people.

โ€œSo, I pray for us to just be kinder, gentler and to also remember that not everything you see on social media is real, not everything is attainable, and totoo โ€˜yung sinasabi nila that every body is different,โ€ mensahe ni Alexa.

AUTHOR PROFILE