John

Wala akong pinagdadaanan — John Estrada

May 4, 2023 Ian F. Fariñas 464 views

WALA akong pinagdadaanan.”

’Yan ang linya na mariing binitawan ni John Estrada nang ma-corner ng press pagkatapos ng mediacon ng FPJ’s Batang Quiapo sa Luxent Hotel kahapon.

Sa maikling panayam, inamin niya na galing nga ang pamilya nila ni Priscilla Meirelles sa Cebu nu’ng Holy Week para magbakasyon.

“Nag-enjoy naman kami… nu’ng Holy Week,” nagmamadaling sagot ni John.

Nang kumustahin ng press, agad niyang baling, “Okay, okay. Ba-bye! Okay ako. Haping-happy. I’m happy.”

So, okay naman na, hirit ng press.

“Yes! Thank you!” sey ni John.

Agree raw ang aktor sa sinabi ni Priscilla na “Family is always important.”

Ani John, “Ah, siyempre! Pamilya ko ‘yon, eh.”

Matatandaan na dumaan sa rough patch ang 12-year marriage nila ni Priscilla. Nasangkot dito ang isang influencer na sinasabing third party sa relasyon ng mag-asawa.

Nang direktang usisain si John tungkol dito, nag- ‘no comment’ na ang aktor.

AUTHOR PROFILE