Ian

Ian Veneracion may paandar sa kasal ni Direk Cathy

May 4, 2023 People's Tonight 284 views

IKINATUWA ng mga netizen ang paandar ni Ian Veneracion sa pagdalo nito sa kasal ni direktor Cathy Garcia Molina sa cinematographer na si Louie Samana nitong Martes, May 2 matapos ipost ng actor ang kuha nitong video sa kanyang Instagram account.

Marami ang bumilib, kinilig at humanga sa paandar nitong pagpaparagliding papunta sa venue ng kasal. Damang-dama ng lahat ang effort at pagmamahal nito sa mag-asawa.

Sa kaniyang IG post makikita ang kuha sa video na pagpapasabog niya ng white petals sa ngayo’y bagong kasal na direktor.

“Showering you with love and petals from the sky. Congratulations Direk Cathy and brother Louie Louei Louie!” diin ng aktor sa kanyang caption.

Sa dulong bahagi ng nakuhang video makikita ang pagsalubong ng artistang si Joross Gamboa at komedyanteng si Jeffrey Tam na parehong may hawak na cellphone para kuhaan ang paglanding ni Ian.

Hindi napigilan ng mga netizen ang magkumento sa post ng aktor tungkol sa paandar nito.

“Wow what a way to show”

“A very kind gesture of you @ianveneracion1. Soaring high to shower love and petals to dear friend. I love you.”

“Ay iba talaga magpakita ng love ang isang @ianveneracion1”

“Wow! Grand entrance tlga.”

“u are always the center of the universe @ianveneracion1”

Kapansin-pansin naman ang mga artistang malalapit sa puso ng direktor ang dumalo sa kaniyang beach wedding kasama na rito ang sikat na real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at ang nag-iisang Alden Richards.

Samantala, kaabang-abang ang paglabas ni Ian Veneracion sa isang Philippine action drama television series na “The Iron Heart” sa direksyon ni Lester Pimentel Ong na mapapanood sa primetime bida. Ni CHRISTINE MACALALAD (OJT)

AUTHOR PROFILE