Xyriel

Xyriel: ‘Huwag nyo akong mandohan pagdating sa katawan ko’

May 4, 2023 People's Tonight 396 views

INAMIN ng young actress na si Xyriel Manabat sa isang panayam sa kaniya ng Star Magic na diumano’y nagpapatulong ito sa therapist upang malampasan ang mga komento ng kanyang mga bashers.

Nagsalita ang young actress, nitong Biyernes, April 28, patungkol sa mga panlalait sa kaniya ng mga netizens dahil daw sa hubog ng kaniyang katawan.

“Minsan, yung iba pong kino-comment-an natin nang ganito, hindi kasing-tibay ng loob ko. Hindi kasing-lakas ng loob ko para lagpasan ‘to.

Kahit ako, kapag nakababasa ako ng mga ‘not-so-nice’ comments, baka pwedeng huwag niyo po akong mandohan pagdating sa katawan ko,” aniya young-actress.

Nabanggit din ni Xyriel ang tungkol sa mga edited pictures niya na ginawa diumano ng kaniyang mga bashers na mas ibinulgar pa ang hubog ng kaniyang katawan.

“May mga nakikita akong ginagamit nila ‘yung picture ko tapos ie-edit nila na parang nakahawak sila sa private part ko, ganoo. And minsan yung mga comment dun, parang vina-validate nila na , “Eh, kasi ganyan naman ang suot, eh. Jina-justify nila na kamanyak-manyak naman kasi talaga eh,” saad nito.

Umaasa si Xyriel na darating ang panahon na ma-e-educate ng mga tao ang kanilang sarili pagdating sa pagbibigay komento sa isang tao.

“Bakit hindi nila i-correct na kahit kailan hindi magiging tama ang pag-o-objectify ng tao, babae man o lalake? Minor man o hindi? Marami akong binangga tungkol doon at ayoko ng nagpapatalo ako kapag ako yung nasa tama,” saad pa ulit nito.

Mensahe ni Xyriel sa bahsers: “Kung ano pong nakikita niyo, scroll niyo nalang. Huwag na po kayong mag-comment kahit maaari. Huwag niyo pong i-wish na bastusin, tingnan dahil sa body type.”

“Hindi body type ang mag-a-adjust, kundi ‘yung utak niyo,” dagdag pa nito.

Sa huling bahagi ng interview, nagpasalamat ang young-actress at nabigyan siya ng karakter bilang Tonet sa Dirty Linena matapos ang dalawang taong pagpapahinga sa showbiz. Ni FIDES GERONIMO (OJT)

AUTHOR PROFILE