Kathniel

Janus sa KathNiel: Kayo na next, ‘tol!

May 3, 2023 People's Tonight 495 views

BUKAS na bukas din!”

‘Yan ang dialogue ni Daniel Padilla matapos masalo ng GF na si Kathryn Bernardo ang bouquet sa kasal nina Direk Cathy Garcia at cinematohrapher Louie Sampana.

Nakunan ito ng video ng isa sa mga guest at agad na ibinalita sa KathNiel fans sa socmed.

Maikli man ang video, inulan pa rin ito ng komento, views at shares sa iba’t ibang platform.

Samantala, present din sa okasyon si Janus del Prado, na nag-post naman sa IG ng, “Ayan na! Kayo na next, ‘tol.”

Last year lang sinabi ni Kathryn na sa edad nila ni DJ, pwede na nga silang pakasal.

Pero kailangan pa nila itong paghandaan.

Nagbitaw din ng salita si Daniel dati na handa siyang pakasalan si Kathryn bago o pagdating nila ng 30 years old. Ni PAUL BACON (OJT)

AUTHOR PROFILE