Default Thumbnail

4 patay sa shooting sa South Cotabato

May 27, 2024 Zaida I. Delos Reyes 179 views

APAT na magkakaibigan ang nasawi habang isa pa ang nasugatan makaraang ratratin ng armalite ng hindi pa nakikilalang suspects nitong Linggo ng gabi sa Tantangan, South Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jerry Tabamo Yuarata, Ronal Orin Vallespin, Argie Villas Villorente at Marcelo Barnachea Combis.

Sugatan din sa insidente ang isa pa nilang kaibigan na nakilalang si Freddie Reyes Tabamo.

Batay sa ulat ng Tantangan Municipal Police Station, naganap ang insidente sa tahanan ng isa sa mga biktima na matatagpuan sa Purok 5 , Tantangan, South Cotabato.

Nag-iinuman umano ang mga magkakaibigan nang biglang dumating ang mga suspects na armado ng matataas na kalibre ng baril at walang sabi-sabing pinaulanan sila ng bala.

Dead on the spot ang apat habang sugatan ang isa pa.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.