PNP

PNP Batangas listo sa bagyong Aghon

May 27, 2024 Jojo C. Magsombol 106 views

NAKA-alerto ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa pamumuno ni Police Colonel Samson B Belmonte, provincial director, para sa sa bagyong Aghon na sumalanta sa Batangas at mga kalapit na lalawigan.

Ito’y alinsunod sa utos ng Police Regional Office (PRO)-4A director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas na ilagay sa heightened alert ang mga pulis ng PRO-4A.

Bandang alas-4:00 ng hapon noong Linggo pinangunahan ni Deputy Provincial Director for Operation Police Lieutenant Colonel Jaime S Pederio, Jr. ang accounting of personnel para matiyak na kumpleto at handa ang kapulisan sa pagresponde sa kalamidad na ito.

Nagtalaga na rin ng mga magiging Reactionary Standby Support Force na nakahandang ma-deploy sa lugar na nangangailangan ng presensya at tulong ng kapulisan.

“Laging handa ang inyong kapulisan sa pagtugon sa banta ng mga kalamidad.

Pinapayuhan po ang lahat na sumunod sa mga abiso at paalala ng awtoridad,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE