Default Thumbnail

Land developer pinagbabaril ng gf, dedo; suspek nagbaril sa sarili

May 27, 2024 Zaida I. Delos Reyes 125 views

PATAY ang isang land developer habang sugatan ang anak na babae nito matapos na pagbabarilin ng kanyang live-in partner nitong Linggo sa Gumaca, Quezon.

Kinilala ni Police Chief Major Marnie Abellanida ang biktima sa pangalang Raynaldo, may-ari ng Elas Land Developer Inc.

Nagbaril sa sarili ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Marycris, 37-anyos.

Baray sa inisyal na ulat ng PNP, naganap ang insidente sa tahanan ng biktima na matatagpuan sa Barangay Butaguin sa nasabing bayan.

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Raynaldo at Marycris kung saan sa gitna ng kanilang away ay bigla na lamang nakakuha ng baril ang babae at ipinutok sa ulo ng kanyang live-in partner.

Matapos ang pamamaril , nagtungo ang suspect sa silid ng anak ni Raynaldo na si Tina at pinagbabaril din niya ito.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagbaril sa sarili ang suspect na naging sanhi rin ng kanyang pagkamatay habang isinugod naman sa pagamutan si Tina.

Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa insidente.