4 MWPs huli sa QC

April 10, 2022 Melnie Ragasa-limena 64 views

NASAKOTE ng pulisya ang tatlong Most Wanted Persons (MWPs) kasama ang No. 2 District Level Most Wanted Person sa magkahiwalay na operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) sa bisa ng warrants of arrest sa Quezon City.

Sa unang operasyon, kinilala ng La Loma Police Station (PS 1) sa pamumuno ni PLt. Col. Garman G Manabat, ang akusado na si Alfredo Castillo III, 19, nakatira sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Si Castillo III ay tinaguriang No. 2 Most Wanted Person sa QCPD at inaresto dakong alas-dos ng hapon, ika-8 ng April 2022, sa kahabaan ng Banawe St., Brgy. Lourdes, Quezon City sa bisa ng warrant of arrest para sa two counts of rape na inilabas ni Judge Roberto Padilla Buenaventura, ng Branch 86, Regional Trial Court, Quezon City.

Sa Payatas Bagong Silangan (PS 13) na pinamunuan ni PLTCOL Roldante Sarmiento ay inaresto ang No. 9 Mwp na kinilalang si Ricardo Delos Santos, 51, nakatira sa Hilltop Empire, Brgy. Payatas, Quezon City, dakong 4 p.m., April 8, 2022, sa Purok 3, Hilltop Empire.

Inihain ng mga operatiba ng Payatas Bagong Silangan ang warrant of arrest laban kay Delos Santos para sa kasong RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Act na inilabas ni Judge Zita Marie M Atienza-Fajardo, ng Branch 224, Regional Trial Court, Quezon City.

Sa Holy Spirit Police Station (PS 14) sa pamumuno ni PTCol. Jeffrey Bilaro ay inaresto ang kanilang No. 2 MWP na kinilalang si Jan Mark Batislaon, 19, nakatira sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Si Batislaon ay nadakip dakong 8:10 p.m. sa parehong araw sa kahabaan ng North Fairview, Quezon City para sa kasong rape na inilabas ni Judge Roberto Padilla Buenaventura, ng Branch 86, Regional Trial Court, Quezon City.

Ang mga hukumang pinagmulan ng utos ng pagdakip ay aabisuhan sa pagkaaresto ng mga akusado.

“Pinupuri ko ang mga operatiba sa walang sawang pagtupad sa kanilang mga tungkulin sa paghuli sa mga taong lumabag sa batas. Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay isang malinaw na pagpapakita na laging mayroong hustisya para sa kanilang nabiktima.” pahayag ni QCPD Director, PBGEN Remus B Medina.