Default Thumbnail

Menor de edad timbog sa MJ

April 10, 2022 People's Tonight 230 views

BINITBIT nang mga operatiba ng Manila Police District – Jose Abad Santos Police Station 7 ang isang 18-anyos na binatilyo makaraang matimbog sa ikinasang Oplan Galugad sa kahabaan ng Kagandahan St., Brgy 163, Tondo, Manila, iniulat ng pulisya.

Ang suspek ay residente ng Kagandahan St.

Base sa ulat ni P/ Lt.Col.Robert Domingo , Commander ng MPD – Station 7 , nagbunsod
ang pagkakadakip ng binatilyo bilang bahagi nang pinaigting na kampanya laban sa ipinagbabawal na droga, ayon sa kautusan ni MPD- Director, P/ Brigadier General Francisco ” Paco” Francisco.

Ayon sa report ng pulisya , nasabat sa suspek sa Kagandahan St.sakop ng Brgy.163 sa Tondo na tinatayang nasa 360 gramong pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P 45,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Article ll ( Comprehensive Drug Act of 2002 .

AUTHOR PROFILE