Default Thumbnail

3 suspek sa pagpatay sa kelot hina-hunting

February 26, 2024 Melnie Ragasa-limena 97 views

HINA-hunting ngayon ang tatlong suspek sa pagpatay sa lalaki sa tapat ng entrance ng Light Rail Transit (LRT)-2 sa Katipunan Station sa Quezon City noong Linggo.

Idineklarang dead-on-arrival sa Quirino Memorial Medical Center si Paul Glenn Olavario Oro, ng Ronas Garden sa Steban Abada St., Brgy. Loyola Heights, Quezon City.

Nangyari ang pananaksak na ikinamatay ng biktima dakong alas-10:50 ng gabi, ayon sa mga pulis.

Batay sa testimonya ni Jayson Amo, security guard ng LRT Line 2, nag iinspeksiyon siya nang mapansin niyang hinabahol ng tatlong hindi pa kilalang suspek ang biktima.

Nang makorner ang biktima, dito na pinagbubugbog at pinagsasaksak ng tatlong suspek. Sinita ni Amo ang mga suspek kaya tumakas dala ang murder weapons.