Bangka

4 fishers’ assocs may 20 bangka sa Malabon

February 26, 2024 People's Tonight 113 views

APAT na asosasyon ng mga mangingisda sa Malabon ang binigyan ng bangkang de-motor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Interior and Local Government (DOLE) at lokal na pamahalaan noong Lunes.

Layunin ni Mayor Jeannie Sandoval na tumulong sa mga Malabueño kaya namigay ng mga bangka.

Ayon kay Public Employment and Services Office Head (PESO) Luziel Balajadia, mula sa Brgy. Tañong, Hulong Duhat, Concepcion at Ibaba ang mga tumanggap ng bangka.

Ginawa ng mga mangingisdang Malabueño ang mga bangka na sinanay ng BFAR gamit ang “fiber glass reinforced plastic boots.”

Nasa 36 na mangingisda ang nagtulong-tulong upang mabuo ang mga bangka sa loob ng 20 araw at tumanghap ng P610 kada araw bilang sweldo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng DOLE.

Bukod sa mga bangka, nakatanggap din sila ng 40 lambat na magagamit sa kanilang paghahanap-buhay.

Ayon sa PESO head na naging adbokasiya ng administrasyon ni Mayor Jeannie ang pagbibigay ng tulong sa mga Malabueñong mangingisda na naapektuhan ang hanapbuhay noong panahon ng Covid-19 pandemic.

AUTHOR PROFILE