Lacuna

Thank you very much–Mayor Honey sa MDSW boss

February 26, 2024 Edd Reyes 86 views

PINASALAMATAN ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa serbisyo sa Maynila.

Nagpasalamat ang alkalde ng i-anunsiyo ni MDSW Director Asuncion “Re” Fugoso ang preparasyon ng agency para sa Women’s Month na may temang Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas, Kakayahan ng Kababaihan, Patunayan.

“Maraming salamat sa mga kawani, mula po sa kanilang social workers, day care teachers dahil alam naman po ninyo, parang hindi tayo tinantanan ng sunog, linggo-linggo, minsan magkasabay pa ho sa isang araw.

Sila po lagi ang nag-aasikaso sa mga naapektuhan nating mga kababayan on top of, sa kanilang ginagawang regular na pagre-rescue ng ating mga street dwellers,” pahayag ng alkalde.

Binanggit ni Fugoso ang mga aktibidad sa Buwan ng Kababaihan na may temang “We Are All United, Nurturing Gender Inclusive, Eco-Friendly Magnificent Manila.”

Kabilang sa mga aktibidad ang pagsasabit ng mga tarpaulin, banners at iba pang advocacy materials sa lahat ng mga tanggapan simula Marso 1, pagsusuot tuwing Biyernes ng purple sa buong Marso at iba’t-iba pang aktibidad na pagtutulungang likhain ng lahat ng mga departamento ng lungsod.

Nagbigay-pugay din si Fugoso sa kanilang mga social workers. “Sa lahat ng mga kababaihan at social workers, itaas natin ang bandila ng ating galing at pagmamahal,” sabi pa ni Fugoso

AUTHOR PROFILE