Default Thumbnail

220 crime suspek laglag sa mga parak NegOc

April 15, 2024 Alfred P. Dalizon 70 views

UMAABOT sa 220 suspek na karamihan’y wanted sa droga at iba pang krimen ang nahuli ng mga miyembro ng Negros Occidental Police Provincial Office.

Sinabi ni Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) Officer-in-Charge Colonel Rainerio M. De Chavez na resulta ng “Birada Semana” ang pagkakatimbog sa mga crime suspek mula April 8 hanggang 14.

Kabilang sa mga nasakote ang apat na matagal ng wanted, 73 iba pang pinaghahanap na wanted at 37 pang drug suspek na nakuhahan ng kabuuang 203 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 million.

Sinabi ni Col. De Chavez na nakahuli rin sila ng walong tao dahil sa illegal possession of firearms.

Tatlumpung suspek ang boluntaryong nagsuko ng 30 iligal na baril at tatlong explosives noong nakaraang linggo sa NOCPPO.

Kabilang din sa mga nahuli ang 86 na tao dahil sa bawal na sugal. Nakuha sa kanila ang P19,000 na taya.

Nahuli din ang tatlo pang iba dahil sa illegal na pagtitinda ng petroleum products at iligal fishing and logging.

Binati ni Col. De Chavez ang lahat ng kanyang tauhan na involve sa kanilang nakalipas na ‘Birada Semana.’

Ayon sa opisyal, lalo nilang pinapaigting ang kanilang laban sa kriminalidad sa lalawaigan kasabay ng kanilang paghahanda sa Pana-ad sa Negros Festival na nagsimula noong Abril 14.

AUTHOR PROFILE