Bato TAPOS–Ang mga naarestong suspek sa magkahiwalay na lugar sa Sampaloc, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 babae, 1 lalaki laglag sa bato

February 24, 2024 Jonjon Reyes 121 views

SWAK sa selda ang dalawang babae na pinaghihinalaang sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga sa G. Tuazon St., Brgy. 422, Sampaloc, Maynila.

Nakuha sa mga suspek na sina alyas Bilog at alyas Ruby ang 27 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P183,600.

Timbog din ang isang lalaki sa Quinto St. malapit sa P. Margal St., Brgy. 507, Zone 50, Sampaloc, Maynila noong Biyernes.

Nadakip si alyas Butong sa paglabag sa Republic Act. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2012).

Nakuha sa kanya ang 7 gramo ng shabu na may halagang P47,600.

AUTHOR PROFILE