Suspek TIKLO–Kulong ang suspek matapos matimbog ng mga operatiba ng Manila Police District. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Snatcher tiklo sa Manila

February 24, 2024 Jonjon Reyes 132 views

TIMBOG ang lalaki sa “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Crime Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Legarda St., Brgy 142, Sampaloc, Manila noong Biyernes dahil sa pag-snatch ng cellphone ng estudyante.

Kinilala ng mga pulis ang natimbog na suspek na si alyas Cris, 26, ng Sulucan St., Sampaloc, Manila.

Nahuli ang suspek bandang alas-7:45 ng umaga ng magsisisigaw ang isang 21-anyos na biktimang estudyante ng “snatcher, snatcher” habang hinahabol ang suspek.

Kaya’t agad rumesponde ang mga pulis na nag resulta sa pagkaka-aresto sa suspek at nabawi ang Samsung A52 S cellphone na nagkakahalaga ng P40,000.

Nahaharap sa kasong robbery-holdap ang suspek.

AUTHOR PROFILE