Tiklo HULI–Hindi na nakapalag ang mga suspek sa mga operatiba ng Manila Police District-Delpan police station 12 sa pamumuno ni PLt. Col. Ness Vargas matapos matimbog dahil sa mga hindi lisensyadong baril. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 lalaki huli sa boga na walang lisensya

February 24, 2024 Jonjon Reyes 114 views

HULI ng mga pulis ang lalaki sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila dahil sa pag-iingat ng cal. 38 na baril noong Sabado.

Ayon kay PLt. Col. Ness Vargas, station commander, bandang alas-11:45 ng umaga nang matimbog si alyas Julius, 48, matapos kapkapan at nabuking ang baril sa baywang.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek.

Samantala, naaresto din si alyas Arnold, 30, ng Lakandula corner Tagumpay St., Tondo, Maynila sa parehong kaso.

AUTHOR PROFILE