Victim Sinisiyasat ni Police Capt. Dennis Turla ng Manila Police District ang motibo sa pagkamatay ng biktimang si Romeo Raneses matapos burdahan ng saksak sa Baseco Compound, Port Area, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Kelot dedo sa katrabaho

February 25, 2024 Jonjon Reyes 101 views

NADAKIP ng mga pulis ang lalaki na nanaksak at nakapatay ng katrabaho sa Block 1, Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Maynila noong Biyernes.

Tiklo si Adrian Lopez, 33, ng naturang lugar, at patay ang biktimang si Romeo Raneses, tinatayang 45-anyos hanggang 50 anyos.

Tatakas pa ang suspek pero nahuli dakong alas-12:30 ng madaling araw ng mga rumespondeng pulis sa utos ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez.

AUTHOR PROFILE