Xian

Xian, nabungi sa pagseselos — Kim

February 22, 2022 Vinia Vivar 390 views

Ibinuking ni Kim Chiu na seloso ang boyfriend niyang si Xian Lim.

Sa latest vlog ni Kim ay ipinasilip niya ang kanilang Valentine getaway sa Balesin at sinagot ang mga tanong ng kaibigan nilang si Mama Cheena.

Isa sa mga tanong ay kung sino ang mas seloso sa kanila at pareho nilang itinuro ang isa’t isa at pareho rin nila itong itinanggi.

Pero iginiit ni Kim na seloso talaga si Xian.

Sabi ni Xian, hindi siya seloso at chill lang siya. Si Kim daw ang parating nagtatanong kung anong ginagawa niya o sino ang kasama niya.

Depensa ni Kim, matanong lang siya at ikinuwento na ang ginawa ni Xian.

“Sino ‘yung inuumpog sa manibela ang ulo saka natanggal ang ngipin? Natanggal ang ngipin niya sa sobrang selos niya,” pambubuking ni Kim.

Tigas naman ang tanggi ni Xian, “Hindi selos ‘yun. Nag-away lang tayo nu’n. Hindi ‘yun dahil sa pagseselos. Wala akong pinagseselosan,” sey ng aktor.

Panay naman ang tawa ni Kim sa pagde-deny ni Xian.

Anyway, ipinakita rin ni Kim ang ibinigay na bouquet of red roses ni Xian sa kanya at sey niya, lahat ng flowers na ibinigay ni Xi sa kanya through the years ay itinatabi niya ang isa or tatlong piraso sa closet bilang souvenir.

“Naluluma na lang siya pero ‘yung feelings ko naman, hindi,” sey ni Kim.

AUTHOR PROFILE