Wow TBM Dalisay!

August 24, 2021 Mario Fetalino Jr. 412 views

Mario FetalinoMALAKI ang pakinabang ng teknolohiya sa ating buhay. Kung patuloy natin itong gagamitin sa mga proyekto, mas maraming Pilipino ang matutulungan.

Hindi nakakapagtaka na karamihan sa mga kumpanya sa Pilipinas ay nagsimula nang maglaan ng mas malaking pondo para sa mga technological advancement.

Ang Novaliches-Balara Aqueduct 4 o NBAQ4 ang kauna-unahang proyekto sa Metro Manila na gumamit ng tunnel-boring machine o TBM technology.

Ang proyektong ito na nagkakahalaga ng P5.5 bilyon ay isa sa pinakamalaking water supply infrastructure projects sa pangunguna ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS.

Nakapaloob sa NBAQ4 project ang pagtatayo ng bagong intake facility sa La Mesa, paglalatag ng 1,000-MLD underground aqueduct, at konstruksyon ng outlet facility sa BTP.

Upang mapanatiling maayos ang raw water transmission system, isinagawa ng Manila Water ang paglalatag ng ika-apat na aqueduct mula La Mesa Reservoir papuntang Balara Treatment Plants o BTP 1 at 2.

Ang bagong aqueduct ang siya ring magbibigay daan para naman maisa-ayos ang mga lumang aqueducts, at upang masiguro na hindi maapektuhan ang water supply ng mahigit 7 milyong populasyon sa East Zone concession area ng MWSS.

Napapanahon na nga ang rehabilitasyon ng tatlong lumang aqueducts na kasalukuyang ginagamit dahil ang mga ito ay itinayo noon pang 1929, 1956, at 1986, kaya naman mainam lamang ang pagtataguyod ng nasabing proyekto.

Inilunsad noong January 28, 2020, ang TBM ‘Dalisay’ ay naglatag ng tubong may habang 7.3-kilometro at 3.1-meter diameter sa ilalim ng Commonwealth Avenue nang walang naging abala sa trapiko.

Sa pagtatapos ng pipelaying ay tuluyan nang babaklasin ang TBM Dalisay at ang mga accessories nito at sisimulan na ang pagtatayo ng intake tower, outlet tower, at downstream network system.

Samantala, pinuri naman ni MWSS Board of Trustees Chairman and OIC Administrator retired Gen. Reynaldo Velasco ang Manila Water dahil matagumpay nitong naisagawa ang water security component flagship project, na itinuturing ring malaking bahagi ng water security program ng naturang administrasyon.

Inaasahang matatapos ang NBAQ4 sa June 2022.

Sa pagtatagumpay ng proyektong ito, mataas ang posibilidad na matugunan na nga ang mga isyu at krisis na ating kinakaharap patungkol sa tubig at supply nito.

Kung mag-iinvest na rin lamang ang mga kumpanya, mabuti na ngang mag invest sila sa iba’t ibang teknolohiya upang mapabuti lalo ang kanilang serbisyo at makamit ang customer satisfaction.

**

Mukhang natuldukan na rin ang pagbubungkal sa Aquilar Avenue, Las PInas na nauna nating inireklamo dahil sa pagsasayang ng government resources at pang-aabala sa mga motiorista.

Aba e kung hindi natin ito pinuna ay baka puti na ang uwak ay hindi pa natatapos ang paninira ng milyung-milyong halaga ng kalsada.

Bago ito ay katakut-takot na pagbubungka ang ginawa ng isang kontraktor ng water company para ayusin daw ang mga tubo ng tubig sa Aguilar Avenue.

Maganda naman ang layunin pero mabilis pa pagong sa pag-usad ng naturang proyekto.

Ayoko ko nang magalit dahil tutal nawakasan na ang pagbubungkal.

Amen.

**

For comments, please call or text 09569012811 or email lastmohican2004@yahoo.com

AUTHOR PROFILE