Default Thumbnail

Welder timbog sa ‘sexual harassment’

September 6, 2022 Jonjon Reyes 355 views

INARESTO ng mga tauhan ng Station Warrant Section ng Manila Police District (MPD) ang isang welder na tinaguriang “most wanted” dahil sa kasong “sexual harassment” sa Baseco Compound Port Area, Maynila, Lunes ng hapon.

Ang suspek ay pawang naninirahan sa Singalong, Maynila.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng MPD Baseco Police Station 13, bandang 2:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa Dagonoy Street sa Singalong.

Pinangunahan ni P/Lt. Mel Soniega ng Station Warrant and Subpoena Section at Women and Children Section ang ginawang pag-aresto sa laborer.

Ang inihaing arrest warrant ay inisyu ni Presiding Judge Venice Biglaen Buagñin, ng Regional Trial Court Branch 9 na may petsang Setyembre 2, 2022 dahil sa kasong paglabag sa Revised Penal Code Article 336 (Acts of Lasciviousness).

AUTHOR PROFILE