Dizon

Tourist police sa Maynila paiigtingin para sa seguridad

September 6, 2022 Jonjon Reyes 531 views

PINANGUNAHAN ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon ang pagpapatrol gamit ang mga bisikleta sa Lungsod ng Maynila kasama ang mga kapulisan ng Tourist Police, Martes ng umaga.

Nangako ang mga tauhan ng Tourist Police na paiigtingin nila ang pagbabantay sa mga pasyalan at eskuwelahan sa lungsod ngayong “Ber months”.

Ito ang tiniyak ng mga kapulisan ng Maynila na todo bantay ang kanilang puwersa sa lungsod, kasabay ng pagpasok ng “pinakamahabang” holiday sa mga natitirang buwan ng kasalukuyang taon.

Ayon kay P/Lt. Jesie Yape Escalo, hepe ng Tourist Police Unit ng MPD, iniikutan nila ang lahat ng mga “must-see” places sa Lungsod ng Maynila para siguruhin ang kaligtasan ng mga turista na namamasyal sa lugar.

Dagdag pa ni Escalo, malaking tulong sa kanyang tropa ang pagpapatrol gamit ang bike dahil mas madali silang makakapasok sa mga maliliit na lugar at masisikip na kalsada sa Maynila.

Matatandaan na una nang ipinangako ng bagong MPD na mas mararamdaman na ang kapulisan sa Maynila bilang bahagi ng “SAFE program” ng Philippine National Police (PNP) o “Seen, Appreciated, Felt, and Extraordinary by the community”.

AUTHOR PROFILE