Lacuna

Utol ni Manila Mayor Honey prexy uli ng Liga ng mga Brgy.

January 18, 2024 Edd Reyes 139 views

PRESIDENTE pa rin ng Liga ng mga Barangay si Dra. Leilani “Lei” Mari Lacuna, ang kapatid ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan.

Nakamit niya ang pinakamalaking boto ng mayorya ng mga kabesa ng iba’t-ibang barangay sa Maynila.

Una nang hinawakan ni Lacuna ang posisyon sa pagsisimula pa lamang ng ika-12 Sangguniang Panlungsod noong Hulyo 2022.

Siya rin ang tumayong chairperson ng Committee on Barangay Affairs sa kabila ng pagiging miyembro rin ng iba pang komite.

“Buong kababaang loob ko pong ipinahahayag ang aking pasasalamat sa buong konseho ng Maynila sa muli nyong pagtanggap at pagkilala sa akin bilang ex-officio ng ating Sangguniang Panglungsod,” pahayag ni Lacuna.

AUTHOR PROFILE