Kathniel

Usapang kasal nina Kathryn at Daniel malapit na

October 17, 2023 Aster Amoyo 229 views

KathrynDanielDollyMAY kasunduan ang longtime reel and real sweethearts na sina Daniel Padilla (28) at Kathryn Bernardo (27) na sila’y magpapakasal before they reach the age of 30 kaya isa o dalawang taon na lamang ang kanilang ipaghihintay bago sila tuluyang magpakasal.

Daniel is turning 29 on April 26 habang magtu-28 naman si Kathryn on March 26 next year.

The young couple is now on their 11th year bilang magkasintahan na nagsimula nang magsama ang dalawa sa kanilang unang teleserye, ang “The Princess and I” nung 2012 when they were both in their teens.

Mahaba-haba na rin ang journey na pinagdaanan ng kanilang relasyon, pero mas lalong tumatatag ito sa pagdaan ng mga taon with them balancing their respective careers and personal lives.

Parehong goal-setters ang magkasintahan kaya naman hanggang ngayon ay nariyan pa rin sila at hindi natitinag sa kanilang kinalalagyan. Their team-up remains to be at the top at sila ang tinitingala ngayon ng mga bagong sibol ng kabataan na pumapasok sa masaya at magulong mundo ng showbiz.

Natutuwa ang magkasintahan kapag may mga bagong loveteam na sumisibol dahil pinagdaanan din nila ito noon nung nagsisimula pa lamang sila.

Ang loveteam nina Daniel at Kathryn ay maituturing na pinakamatagal at pinakamatatag in showbiz at hindi bumibitaw sa kanila ang kanilang adoring and loyal fans kahit sa pagsuporta sa kanila hindi lamang sa mga proyektong sila’y magkasama kundi maging sa kanilang respective solo projects.

Noong isang taon, muling nagsama ang KathNiel sa hit TV series na “2 Good 2 Be True”. Prior to this ay gumawa si Daniel solo project without Kathryn, ang award-winning movie na “Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine)” na pinagsamahan nila ng award-winning actress na si Charo Santos at pinamahalaan ni Carlo Francisco Manatad kasunod ang solo project naman ni Kathryn this year, ang blockbuster move na “A Very Good Girl” with Dolly de Leon na pinamahalaan ni Petersen Vargas under Star Cinema.

Although may mga proyekto silang muliang pasasamahan, nakakasa na rin ang ilang projects na sila’y magkahiwalay. Nariyan ang “Nung Mapagod si Kamatayan” na isang epic film na pagbibidahan ni Daniel mula sa direksyon ni Dan Villegas. Nariyan din ang suspense-thriller movie na “The Guest” na pagsasamahan nila Daniel at John Arcilla na pamamahalaan naman ni Jerrold Tarog. May isa pang movie na gagawin si Daniel kung saan niya makakabituin sina Piolo Pascual at Claudine Barretto, ang “2gether Un4ever” na muling pamamahalaan ni Direk Cathy Garcia-Sampana. Pero hindi dapat malungkot ang KathNiel supporters dahil may dalawang movie silang pagsasamahan, ang “After Forever ” na muling pamamahalaan ni Direk Cathy.

Magkasama rin sina Daniel at Kathryn sa “Praybeyt Benjamin 3” with Vice Ganda and Ivana Alawi. Dahil sa sobrang busy ng dalawa, wala pa umano sa immediate plan ang muli nilang pagkakaroon ng bagong serye sa telebisyon.

Bukod sa pagiging matatag ng kanilang relasyon bilang magkasintahan at bilang magka-loveteam, ang dalawa ay pareho ring successful entrepreneurs kaya handang-handa na rin silang sumabak sa buhay may asawa kung saka-sakali.

Iza at Bianca kakaiba ang magiging Christmas celebration

IzaIza1Iza2PAREHONG baby girl ang babies ng mag-sister-in-law na sina Iza Calzado at Bianca King sa kanilang respective husbands, ang magkapatid na Ben at Raplh Wintle.

January 26, 2023 isinilang ang unang baby ng mag-asawang Iza at Ben na si Deia Amihan. The couple got married in a beach wedding sa Club Paradise in Coron Palawan nung December 19, 2018.

Sa nasabing occasion nagkakilala ang mag-asawa na rin ngayon na sina Bianca King at nakababatang kapatid ni Ben na si Ralph Wintle na ikinasal naman sa living room ng kanilang bahay sa Australia nung 2021.

Although mas naunang nag-asawa sina Iza at Ben, dalawang buwan lamang ang pagitan ng panganganak nina Iza at Bianca.

Sadie Harlow Wintle ang pangalan ng firstborn nina Bianca at Ralph.

Masaya pareho ang magkaibigan at mag-sister-in-law na ngayon sa kanilang respective families at magiging kakaiba ang celebration nila ng nalalapit na Christmas dahil hindi lamang sila nabiyayaan ng responsible husbands kundi maging ng kanilang bagong inspirasyon, ang kanilang mga baby.

Ang dating Kapuso at Kapamilya actress at vlogger na si Bianca ay naka-base na ngayon in Australia with her husband na si Ralph and their seven-month-old daughter na si Sadie. Ang mag-asawang Iza at Ben naman with their baby na si Deia ay nasa Pilipinas at naipagpapatuloy pa rin ng actress ang kanyang showbiz career. Narito rin sa Pilipinas ang negosyong itinatag ni Ben.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE