Default Thumbnail

‘Towards the next generation’

October 5, 2022 Vic Reyes 242 views

Vic ReyesGINANAP kamakailan ang National Single Window (NSW) Summit 2022 sa F1 Hotel sa Bonifacio Global City sa pamumuno ng Bureau of Customs (BOC) at United Nations Economic and Social Communication for Asia and the Pacific (UN-ESCAP).

Theme ng summit, na dinaluhan ng mga eksperto mula sa anim na bansa, kasama ang Australia, ay “Towards the next generation of the Philippine National Single Window.”

Ang iba pang eksperto ay galing ng Republic of Korea, Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand.

Ang summit ay naglalayong mapabilis ang “advancement of the PH NSW for the effective and efficient implementation of simplified, harmonized and automated trade practices.”

Suportado ng summit and panawagan ni Pangulong Marcos na i-promote ang streamlined processes sa BOC sa pamamagitan ng information and communications technology solutions.

Maliban kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, dumalo rin sa summit sina Tengfei Wang at Dennis Pantastico ng UN-ESCAP at Flordeliza Leong ng Philippine Exporters Confederation.

Ang mga eksperto mula sa ibang bansa ay inisa-isa ang mga bagay na kailangang ikonsidera sa pag-develop ng single window system.

Ipinagdiinan din ni ESCAP Director Rupa Chanda ang sinabi ni UN Sec-Gen. Antonio Guterres na “as we recover and rebuild, digital technology will be more prominent and important than ever.”

Napapanahon na para gamitin ang “wonders of modern technology” para mapabilis ang trabaho sa aduana.

Bago pa man ang nakaraang eleksyon, ‘yan na ipinagdidiinan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

***

Huwag na nating hintayin na lumalala pa ang nararanasang paghihirap ng taumbayan, lalo na ang mga walang trabaho at maliliit ang kinikita.

Magtulong-tulong tayo para harapin ang mga hamon na nagpapahirap sa mamamayang Pilipino pagkatapos ng dalawang taong lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Kung magnenegosyo, huwag naman sana itaas ng sobra-sobra ang presyo ng mga paninda, lalo na ang mga pagkain, dahil hirap pa ang karamihan sa atin.

Isumbong natin sa mga otoridad ang mga negosyanteng nagtatago ng mga paninda para lang palabasin na may shortage ang supply ng asukal, bigas at iba pang produkto.

Hindi masama ang kumita, pero huwag namang pahirapan ang taumbayan.

Ang kailangan siguro ay manghuli ang gobyerno ng mga profiteer at hoarder at siguraduhing mapaparusahan ang mga ito kung mapatunayang may pananagutan sila sa batas.

Kung hanggang warning lang ay talagang walang mangyayari sa kampanya natin laban sa “erring traders.”

Dapat ipakita ng mga otoridad na determinado ang gobyerno na parusahan ang mga “economic saboteur” na walang ginawa kundi magsamantala.

Mas masahol pa sila sa mga isnatser at mandurukot sa mga palengke, bus at jeep.

Hindi ba, Pangulong Marcos at Vice President Sara Z. Duterte?

***

Mahirap talagang mawala ang problema ng iligal na droga sa ating bansa.

Anim na taon ding sinubukan ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte na walisin ang problemang ito sa pamamagitan ng kanyang “bloody war on illegal drugs.”

Marami nga ang mga napatay na drug traffickers at drug dependents at nahuling sangkot sa iligal na droga.

Pero hindi natigil ang illegal drug business dahil nga isa itong napaka-lucrative na negosyo na nagpayaman sa iba nating kababayan na walang pakialam sa kinabukasan ng bansa.

Marami ng sinirang buhay at pamilya ang dreaded “drug monster,” na tinaguriang “Number One Enemy” ng mga kababayan natin, lalo na ang mga kabataan at manggagawa.

Karamihan sa mga nalulong sa iligal na droga ang namatay, nakulong, nabaliw, nawalan ng asawa, trabaho at mga kaibigan.

Sana naman makagawa ng paraan ang administrasyon ni Pangulong Marcos para mabigyang solusyon ang problemang ito.

Pero ang mahalaga ay tumulong ang komunidad, sa pamamagitan ng simbahan at NGOs, para mailayo sa iligal na droga ang mga kababayan natin, lalo na ang mga kabataan.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE