Default Thumbnail

Kapayapaan at katahimikan, hangad P/BGen. Jonnel Estomo

October 5, 2022 Edd Reyes 261 views

Edd ReyesHINDI na marahil mangyayari ang madalas marinig na pagbatikos sa pamahalaan sa mga pagtitipon ng iba’t ibang sektor ng relihiyon dito sa Metro Manila dahil sa pinasigla at pinalakas na programang Kasimbayanan na inilunsad ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director P/BGen. Jonnel Estomo katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG).

Nito lang araw ng Lunes, kahit sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan, hindi napigil ang mga alagad ng simbahan at mga lider ng iba’t-ibang sektor ng reliiyon, mga kilalang personalidad, mga malalaking samahang pang-komunidad, pati na si DILG-NCR Regional Director Maria Lourdes Agustin na lumahok sa paglulunsad ng revitalized KASIMBAYANAN na ang kahulugan ay Kapulisan, Simbahan at Pamayanan.

Naging tampok sa naturang aktibidad ang paglagda sa isang kasunduan ng mga matataas na opisyal ng NCRPO sa pangungu na ni BGen. Estomo at iba’t-ibang sektor na naglalayong makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaayusan sa buong pamayanan at pamamahagi at paglalagay ng button pin sa hanay ng pulisya, sa sektor ng relihiyon at mga mamamayan.

Dahil kinailangang umalis kaagad si BGen. Estomo upang dumalo sa isang aktibidad na dadaluhan mismo ng Pangulong Bongbong Marcos, Jr, kanyang itinalaga si Deputy Regional Director P/BGen. Jose Hidalgo upang manguna sa pagpapasinaya sa pinasiglang programa.

Sabi ni BGen. Hidalgo, ang kanilang Regional Community Affairs and Development Division na pinamumunuan ni P/Col. Romy Palgue ay nakipag-ugnayan sa mga lider ng simbahan at iba pang sektor ng relihiyon, mga lider ng grupong nagsusulong ng kanilang adbokasiya at mga lokal na pamahalaan upang makipagtulungan na matamo ang kapayapaan sa buong komunidad na kanilang nasasakupan.

Nauna ng inihayag ni Estomo na malakas ang impluwensiya ng simbahan at iba pang relihiyon para makahimok sa mamamayan na makiisa sa pagpapalaganap ng katahimikan at kaayusan

Ayon naman kay P/Col. Dexter Versola, tagapagsalita ng NCRPO, kasama sa programa ang pagpapalaganap ng mga Imam sa wastong turo ng Koran sa mga radikal at teroristang grupo upang maging isang mabuting kapatid na Muslim at tuluyang makamit ang matagalang kapayapaan.

Pasay City Mayor Emi Calixto, hindi napigil ang galit

TINALAKAN ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang lalaking gumagamit ng kanyang pangalan para kumita sa masamang paraan matapos mahuli sa bisa ng warrant of arrest ang akusado.

Sabi ni Pasay City police chief P/Col. Byron Tabernilla, limang arrest warrant mula sa mga korte sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang inihain nila laban kay Gerald Red nang matunton sa Brgy. San Isidro noong Lunes ng gabi.

Ayon naman kay Mayor Emi, sa isang complainant pa lang ay naka-solicit na si Red ng P100,000 gamit ang kanyang pangalan.

Bukod sa kasong estafa, sinabi ni Col. Tabernilla na may mga nakabimbin pan mga kaso si Red, kabilang na ang iligal na droga, violence against women and children at malicious mischief.

Dahil sa pagkakadakip sa akusado, muling inulit ni Mayor Emy ang kanyang babala sa mga gumagamit sa kanyang pangalan para kumita ng salapi sa ilegal na paraan na hindi niya palalampsin at patatawarin ang mga hanggan sa maigawad ang wastong parusang naaayon sa batas.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected]

AUTHOR PROFILE