Toni

Toni, sinigurado ang guesting sa ‘Eat Bulaga’

November 17, 2022 Vinia Vivar 476 views

Busy as a bee si Toni Gonzaga sa pagtatapos ng 2022. Bukod sa mayroon siyang bagong show sa AllTV at pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2022 this December, naghahanda rin siya para sa kanyang 20th anniversary concert na gaganapin sa January 20, 2023 sa Araneta Coliseum.

Humarap si Toni kahapon sa isang media conference para sa nasabing anniversary concert simply titled I Am…Toni at excited siya dahil ito rin ang kanyang comeback concert after a very long while.

“I’m so grateful na makarating sa ganitong milestone ng ating journey dito sa industry and I’m also very excited to celebrate it with everyone,” simula ni Toni.

Eksaktong birthday pa niya ang date ng concert at isa raw ito talaga sa mga dream niya.

“It’s a celebration of milestones, of journeys, of the ups and downs, the learnings, and parang where I came from, where I am today and where my life is heading after 20 years,” sey ni Toni.

Sa nakalipas na dalawang dekada ay marami na ring pinagdaanan si Toni at malaki na rin ang naging pagbabago sa kanyang buhay simula noong nagsisimula pa lang siya.

Ngayon ay isa na siyang successful TV host, producer, a wife and a mother sa kanilang anak ni Paul Soriano na si Seve.

Asked kung ano ang hindi niya pwedeng bitawan sa mga ito, ayon sa singer/TV host/vlogger, ito ay ang kanyang pamilya.

“Lagi ko namang sinasabi, the only time I will retire in the business is when my son or my husband or my immediate family tells me. ‘Yun siguro ang makakapagpa-resign sa akin. Kapag naaapektuhan na sila, ‘pag alam na nilang it’s not healthy for me, that it’s not doing well for me, ‘yun ang mga opinion that I truly value. Siguro ‘yun, I will consider retiring in the business,” she said.

Pero sa ngayon ay hindi pa niya masabi kung kelan ito darating at hindi pa rin niya nakikita na darating ang panahong iyon anytime soon.

Kung sinu-sino ang mga guest niya sa kanyang birthday concert ay ayaw muna niyang i-divulge dahil surprise na raw ‘yun.

Natanong nga kung magge-guest ba si Piolo Pascual, na naging isang napakalaking bahagi rin ng kanyang career. pero ayaw niyang sabihin dahil sorpresa na nga lang daw.

Matatandaang nagsimulang makilala si Toni nang gawin niya ang Sprite TV commercial with Piolo kung saan ay sumigaw siya ng “I love you, Piolo!”

Basta sa concert daw ay makikita ang summary ng kanyang buhay mula noon hanggang ngayon.

Pagdating naman sa kanyang MMFF movie with Joey, sinigurado ni Toni na kabilang sa promo nito ang pagge-guest niya sa dati niyang tahanan, ang Eat Bulaga.

AUTHOR PROFILE