John

Walong awards para sa ‘On the Job: The Missing 8’

November 18, 2022 Aster Amoyo 473 views

ANG crime-thriller movie na”On the Job: The Missing 8” na pinamahalaan ni Erik Matti mula sa panulat ni Michico Yamamoto ang nakapag-uwi ng pinakamaraming parangal sa 45h Gawad Urian Award ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) na ginanap sa Cine Adarna ng UP Film Center nung nakaraang Huwebes ng gabi, November 17, 2022.

Walong tropeo ang nasungkit ng pelikulang “On the Job: The Missing 8” na pinagbidahan ng award-winning actor na si John Arcilla. Ang nasabing pelikula ang nakapaguwi ng Best Film (ka-tie nito ang pelikulang “Big Night!”), Best Director (Erik Matti), Best Actor (John Arcilla), Best Supporting Actress (Lotlot de Leon),

Best Supporting Actor (Dante Rivero), Best Screenplay (Michico Yamamoto), Best Editing, Best Music and Best Sound habang ang “Big Night!” na pinagbidahan ni Christian Bables mula sa panulat at direksiyon ni Jun Robles Lana ang nanalo ng Best Film (along with “On the Job: The Missing 8”) at Best Cinematography.

Ang pelikulang “Big Night!”kung saan din tampok sina John Arcilla, Eugene Domingo, Nicco Antonio, Ricky Davao, Janice de Belen, Gina Alajar, Soliman Cruz, Aura Briguela at Sue Prado ay nakapag-uwi ng walong awards sa 2021 Metro Manila Film Festival pero dalawa lamang ang nakuha nito sa nakaraang Gawad Urian Awards.

Ang animator, cartoonist, filmmaker, painter at itinuturing na godfather of young filmmakers na si Roque `Roxlee’ Federon Lee ang pinarangalan ng Natataning Gawad Urian sa taong ito. Siya ang creator ng “Cesar Asar” along with his brother na si Monlee. Pamangkin naman niya ang writer- director na si Topel Lee.

Sorpresa naman ang pagkakapanalo bilang Best Actress ni Yen Santos para sa pelikulang “A Faraway Land” na pinagtambalan nila ni Paolo Contis at pinamahalaan ni Veronica Velasco. Natalo ni Yen ang veteran and award-winning actress na si Charo Santos-Concio na siya namang pangunahing bituin ng “Kun Maupay Man It Panahon”.

Ang ‘On the Job: The Missing 8’ ang official entry ng Pilipinas sa Best International Feature Film ng ika-95 th Academy Awards na gaganapin on March 12, 2023 sa Dolby Theatre, Hollywood, California.

ToniToni1Toni2Toni3

Toni sa Araneta Coliseum magdaraos ng birthday

TAONG 2014 pa ang huling major solo concert ng singer, actress, host and film producer na si Toni Gonzaga (Celestine Cruz Gonzaga-Soriano), ang “Toni Gonzaga: Celestine” na ginanap sa Mall of Asia Arenna nung October 3, 2014 habang nung September 20, 2011 naman siya nag-concert sa Smart Araneta Coliseum sa pamamagitan ng “Toni @ 10: The Anniversary Concert”.

Toni is going to celebrate her 39th birthday with her family, friends and supporters at the Big Dome (Smart Araneta Coliseum) on her actual birthday on January 2023 billed as “I Am Toni”. This is co-produced by actor-turned concert and film producer JoEd Serrano and Toni’s mom, accountant-talent manager and vlogger Pinty Cruz-Gonzaga.

Last Thursday lunch, humarap si Toni sa entertainment media and vloggers at the Ballroom of Winford Manila Resort and Casino to announce her upcoming concert kung saan ang US-based singer, songwriter, arranger and record producer na si Jimmy Antiporda ang tatayong musical director.

Ang birthday concert ni Toni ay magsisilbi ring 20th anniversary niya sa entertainment business kaya double celebration ang magaganap sa kaniyang nalalapit na major concert at the Big Dome.

The upcoming concert will showcase Toni’s 20-year journey in showbiz magmula nang siya’y makilala nang husto sa pamamagitan ng isang TV commercial kung saan tumatak ang linyang “I love you, Piolo” sa publiko in 2001.

Ayaw mag-share ni Toni ng iba pang detalye na may kinalaman sa kanyang nalalapit na major birthday and anniversary concert dahil gusto niya itong maging sorpresa sa lahat.

Toni is a successful singer, concert star, TV host, vlogger and entrepreneur.

She is also hosting her own daily talk show on TV, ang “Toni” on AllTV. She is also the president-CEO of her own film outfit, ang TinCan Film Production. She also co owns Happy Cup tea business with sister Alex Gonzaga.

Sa rami ng challenges na pinagdaanan ni Toni sa kanyang karera, it made her a better person dahil marami umano siyang realization at natutunan along the way.

Toni is happily married to director-producer Paul Soriano and they have a six-year-old son, Seve. Silang dalawa along with her parents and sister Alex ang nagsisilbi niyang inspiration.

AljurAljur1

Aljur umamin sa kasalanan

SA aming exclusive interview with Aljur Abrenica, hindi niya tahasang inamin ang tungkol sa kanila ng Viva sexy star na si AJ Raval at sa halip ay nakiusap siya na tantanan na umano ito dahil nahihiya umano siya kay AJ at sa pamilya nito. “Ako na lang. Ako na lang ang may kasalanan,” aniya.

But when it comes to his ex-wife na si Kylie Padilla at mga anak na sina Alas Joaquin (5) at Axl Romeo (turning 3 in December), ganado ang actor magkwento. Hindi ikinakaila ni Aljur na kahit hiwalay na sila ng kanyang (ex) wife, nanatili umano silang close na magkaibigan dahil sa kanilang dalawang anak.

Open umano ang kanilang komunikasyon and there are even times na lumalabas umano sila kasama ang dalawang bata na siyang tuwang-tuwa kapag magkakasama sila.

Ayon sa actor, mananatiling espesyal sa kanya si Kylie dahil ito umano ang babaeng sobra niyang minahal bukod pa sa ito ang ina ng kanyang mga anak.

“I appreciate her dahil inaalagaan niyang mabuti ang mga bata na lumalaking mababait,” pahayag pa niya.

Kung kelan sila hiwalay ay saka naman sila naging open sa isa’t isa sa maraming bagay.

“We are both growing individually. Marami pa ring kaming learnings na natutunan along the way,” pag-amin pa niya.

“She will always have a special place in my heart,” deklara pa ng actor.

Hindi ba niya isinasara ang posibilidad na muli silang magkabalikan? Hindi ba niya ipinipinid ang pintuan?

“Bakit may nagsara ba?” balik tanong niya sa amin.

Tatlong taong gulang ang panganay nilang si Alas nang magkahiwalay sila ni Kylie at sobra umanong naapektuhan ito sa kanilang separation.

“Papa hindi mo na mahal si Mama?” tanong umano sa kanya ng bata.

“At that time, hindi ko alam kung paaano ko siya sasagutin. It stuck sa mind niya. Nag-away kasi kami noon ni Kylie at narinig niya,” pag-amin pa ni Aljur.

“Nag-usap kami ni Kylie at unti-unti namin itong hinandle para hindi siya malito,” paliwanag pa niya.

Si Aljur ay isa sa mga pangunahing bituin sa upcoming Metro Manila Film Festival entry, ang “Mamasapano: Now It Can Be Told” na dinirek ni Lester Dimaranan under Borracho Films. Tampok din sa nasabing true-to-life movie sina Edu Manzano, Paolo Gumabao, Rey `PJ’ Abellana, Jojo Abellana, Ritz Azul, Myrtle Sarrosa, Claudine Barretto, Rez Cortez at marami pang iba. Ito bale ang first time ni Aljur na magpa-participate sa MMFF at first time din siyang sasakay sa karosa at dadalo sa MMFF Awards Night on December 27.

Samantala, please watch my exclusive interview with Aljur on my online talk show, “TicTALK with Aster Amoyo” on my Youtube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE