Sam

SAMYG, bagong mukha ng SportsPlus

November 17, 2022 Ian F. Fariñas 311 views

INANUNSYO ng bagong premier online mobile sportsbook na SportsPlus ang pagkakapili nito kay SamYG bilang opisyal na tagapagsalita.

Isang longtime radio jock, nakilala si Sam sa sikat na programa sa radyo, ang Boys Night Out. Para sa kanya, aprubado ang kapana-panabik na sportsbook mobile site.

Nang tanungin tungkol sa bago niyang papel, ibinahagi ni Sam ang kahalagahan ng isports sa mga Pilipino.

“Their love of sports goes beyond fandom,” aniya. “’Di nga lang siya fandom for some, parang naging way of life na rin siya. SportsPlus takes this passion and reinforces it with more fun and excitement.”

Sa online mobile sportsbook, maaari nang pumusta ang mga tagapagtangkilik ng iba’t ibang mga laro sa kanilang mga paboritong atleta at kuponan. Kung iisipin, kakaiba ang pakiramdam kung nakatali ang kapalaran ng isang tao sa resulta ng isang malaking laro. Maaari kayong magrehistro sa https://bit.ly/sportsplusph.

Dinisenyo ang SportsPlus para gawing madali at nakasasabik pa rin ang sportsbooking para sa mga gumagamit nito. Accredited ng PAGCOR, ginawang mabilis ng SportsPlus ang pagrehistro para sa mga may edad 21 pataas.

Pagkatapos magrehistro, pwede nang magsimulang tumaya ang users sa kanilang mga paborito, gamit lamang ang P100.

Maraming larangan ng isports ang matatagpuan sa online sportsbook, gaya ng basketball, football, boxing, MMA, tennis at iba pa. Dagdag pa rito ang competitive odds na handog nito. Maaari ring pumusta sa malalaking liga ng isports gaya ng NBA, NHL, Premier League, UFC at iba pa.

Optimalisado rin ang SportsPlus para sa lahat ng mobile device. Hindi na kailangang mag-download ng app: Gumagana ang site sa kahit anong standard mobile browser gaya ng Firefox, Chrome at Safari.

Mayroon ding built-in GCash ang mobile site, kaya lalong simple ang paglipat ng pera papunta sa site.

“Sobrang exciting,” sabi ni Sam. “Anytime, anywhere, I can place my bets and cash in and cash out. Ang galing niya at ibang klaseng enjoyment talaga siya. Magugustuhan niyo ‘to. Play for the chance to win the game!”

AUTHOR PROFILE