Posas

Tirador ng e-trike ng pulis arestado

November 29, 2023 Jonjon Reyes 216 views

NAAKTUHAN ng isang pulis ang tumira umano ng kanyang e-trike sa Minandro Street, Pandacan, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, commander ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10, ang suspek na alyas ‘ Toper” binata , jobless ng Las Piñas City.

Desidido namang magsampa ng reklamo ang police officer na si Bernard Cambusa, 34 , may asawa,residente ng Pandacan.

Batay sa ulat ni Police Master Sargent Voltaire Esguerra,may hawak ng kaso,bandang 5:55 a.m. nang maaktuhan ng biktima na tangay ng suspek ang kanyang e-bike na nagkakahalaga ng P60,000.

Nakitaan pa umano ang suspek ng patalim na may 6 na pulgada ang haba.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong pagnanakaw at illegal possession of deadly weapon.

AUTHOR PROFILE