Posas

‘Siga’ dinampot dahil sa pen gun

November 29, 2023 People's Tonight 129 views

ISA umanong siga ang dinampot ng pulisya matapos mahulihan ng improvised na baril, Martes ng umaga sa Ramon Magsaysay Boulevard, Sampaloc,Manila

Nakilala ang suspek na isang alyas Ben, 37, may kinakasama, kaanib ng Bahala na Gang (BNG) jobless, ng Anonas Street, NDC Compound,Sta.Mesa,Manila

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, MPD- Sampaloc Police Station commander, nakatanggap sila ng tawag tungkol sa suspek na may dalang pen gun.

Agad na ipinagbigay alam ang insidente sa nagpapatrulyang sina Police Staff Sargent Rodolfo Parreñas Jr, Police Staff Sargent Daniel Godoy at Police Corporal Bee Jay Caberto.

Ang suspek ay kinasuhan ng violation of Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”in relation to BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines)

Pinuri MPD Chief Police Colonel Arnold Thomas Ibay ang kapulisan sa Sampaloc dahil sa patuloy na pagsasagawa anti-criminality campaign.

AUTHOR PROFILE