Dong

TIKTOK, GIBA SA DANCE COLLAB NG DONGYAN

October 2, 2023 Jun Nardo 267 views

KINABOG ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga Tiktokerist nang ilabas nila ang kanilang dance collab sa nasabing app.

Matagal nang hiling ng fans ang dance collab ng mag-asawa kaya naman nang mapapayag ni Yan si Dong at lumabas ang dance moves nila, nagiba ang Tiktok world!

Aba, wala pang halos limang oras, umabot na sa 10M ang views sa Tiktok ng video nila na sumasayaw sa kantang Tootsie Roll, huh!

Sabay na sabay pa ang dance moves ng mag-asawa kaya naman ang ganda nilang panoorin sa effortless nilang pag-indak.

Bravo, Dong at Yan!

AUTHOR PROFILE