Catriona2

Catriona, excited maging misis ni Sam

October 2, 2023 Vinia Vivar 248 views

Larawan ng isang happy engaged couple sina Sam Milby at Catriona Gray nang dumalo sila sa ABS-CBN Ball 2023 na ginanap last Saturday, Sept. 30, sa Makati Shangri-La Hotel.

Ito nga raw ang first time nilang dumalo sa nasabing event na magkasama bilang magkarelasyon at engaged couple.

Ayon kay Catriona, ito ang pangalawang pagkakataon na dumalo siya sa ABS-CBN Ball. ‘Yung una ay noong hindi pa siya nananalo bilang Miss Universe.

Aminado nga ang beauty queen na kinikilig siya ngayon dahil may kasama siyang date.

The first time kasi ay solo lang siyang rumampa sa red carpet.

“I’m very, very happy to be here and kilig din ako na I have a date this time around,” natatawang wika ni Catriona sa interview sa kanya ni MJ Felipe ng ABS-CBN.

“Kilig na kilig ako,” sambit pa ng soon-to-be-wife ni Sam nang matanong kung ano ang feeling na magkasama sila ng fiancé sa ball.

Sey naman ni Sam, “With my beautiful fiancee as my date, I’m so…”

Sa nasabing panayam ay nabanggit din ni Catriona na very excited na siya sa nalalapit na kasal nila ni Sam.

“I’m grateful to be entering a new chapter with Sam, a season neither of us have gone through before pero sobrang excited ako,” she said.

“I think, it’s just been an amazing year and I feel like next year’s gonna be even better,” masaya pa niyang dagdag.

Happy naman si Sam na nakabalik na ang ABS-CBN Ball after four years. “Itong last few years, ang daming pagsubok, hindi lang ‘yung station but ‘yung bansa. And it’s so nice that we’re able to be here again, be a family, enjoy the night, and obviously for a good cause also,” he said.

Wala pang sinasabing date ang dalawa kung kailan ang kasal although sa past interview ni Catriona ay nabanggit niya na sometime next year ito mangyayari at kasalukuyan na silang nasa preparation process.

Na-engage sina Sam at Catriona nitong nakaraang Pebrero, 2023.

AUTHOR PROFILE