Guess

Selosang young actress, nagpaparetoke para ’di mambabae ang BF

October 2, 2023 Jun Nardo 203 views

NAPANSIN ng ilang netizens ang parang nabagong mukha ng isang sikat na young actress (YA).

Eh, dati nang maganda ang mukha ni YA pero nagtaka ang netizens na tuwing magpu-post siya ng picture, may tila pinaretoke, huh!

Mabuti sana kung isang beses na may bago sa mukha ni YA. Parang monthly, eh, may pinaaayos siya gayong bata pa naman siya.

Hinala ng netizens, baka ginagawa niyang magpaayos ng mukha para hindi na mambabae ang kanyang boyfriend na lalo na’t may bagong kapareha ang BF sa isang bagong series, huh!

Balitang selosa si YA pagdating sa BF na kapag nali-link sa iba, eh, nagiging bayolente siya, huh!

AUTHOR PROFILE