Pasada HINARANG–Hindi pinapasok ng mga pulis ang mga tsuper at operator na magpoprotesta sana sa Mendiola St. noong Martes. Kuha ni Jon Jon Reyes

Tigil-pasada wa epek sa Manila

January 16, 2024 Jonjon Reyes 176 views

Pasada1WALANG epekto at hindi na-paralyze ang biyahe ng mga commuters sa tigil-pasada sa Maynila dahil sa libreng sakay na inalok ng Manila Police District at ng local government ng siyudad.

Bago mag tigil-pasada, inatasan ni Manila Police District director Police Colonel Arnold Thomas Ibay ang mga station commanders na mag alok ng libreng sakay sa kani-kanilang mga area of responsibility (AOR).

Nabatid kay Police Maior Philipp Ines, ng MPD Public Information Office (PIO), na aabot sa mahigit kumulang sa 200 na miyembro ng MPD ang ipinakalat sa mga pangunahing kalsada sa Maynila para maging mapayapa ang kilos-protesta na gagawin ng mga tsuper at operator.

Pero pagdating sa Welcome rotonda ng mga nagpoprotesta hindi na sila pinayagang makapasok sa Maynila dahil hinarang na ng mga pulis.

Hanggang sa Enero 31, 2024 na lang pwedeng pumasada ang mga lumang jeepney base sa ruling ng pamahalaan.

AUTHOR PROFILE