Sumuko Source: Urdaneta PNP FB file photo

Ex-member ng Komunistang grupo sumuko

May 24, 2024 Jojo C. Magsombol 71 views

KAMPO KOLONEL JOSE P. RAZON, Nasugbu, Batangas–Isang miyembro ng grupong maka-Komunista ang sumuko sa mga pulis noong Miyerkules sa bayang ito.

Miyembro ng Militiang Bayan (MB) ang sumuko na si Alyas Pamping, 42, ng Brgy. Mahabang Dahilig, Lemery, Batangas, ayon sa mga pulis.

Boluntaryong sumuko ang lalaki alas-6:15 ng gabi sa pinagsamang pwersa ng 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company sa ilalim ni Maj. Ronnie Baliwag Aurellano.

Ayon sa report, pinakawalan si alyas Pamping matapos ang dokumentasyon ng pagsuko nito.

AUTHOR PROFILE