Accident Source: PNP Gatarran

Truck vs truck: 4 utas, 2 sugatan

May 24, 2024 Zaida I. Delos Reyes 178 views

APAT ang nasawi at dalawa ang sugatan sa banggaan ng dalawang truck noong Lunes sa Gattaran, Cagayan.

Nakilala ang mga nasawi na sina Kennedy Alversado, driver ng Isuzu Canter (ABB-5929) at mga pasahero na sina Jenet Ann Olivas, Jerome Castro at Jimmy Olivas.

Sugatan ang driver ng Elf truck (NFT-780) na si si Jimmy Calimag at isang pasahero niya.

Napag-alaman na papuntang Tuguegarao City ang mga biktima at galing sa Malabon City ang Elf truck patungo sa Aparri, Cagayan.

Habang binabagtas ang highway, biglang kinain ng elf truck ang kabilang linya kaya sumalpok ito sa kasalubong na truck .

Dahil sa lakas ng banggaan, dead-on-the-spot ang apat na biktima habang sugatan ang dalawa.