Knife

LOLO, 68, DEDO SA ‘LOVE TRIANGLE’

January 16, 2024 Melnie Ragasa-limena 159 views

Biktima utas sa bf ng ex-gf

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ang 68-anyos na lalaki ng karelasyon ng kanyang dating live-in partner noong Martes sa Quezon City.

Dead on arrival sa East Avenue Medical Center si Magin Duran matapos magtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kinilala ang suspek na si Tata Alpi na tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa report ni PCpl. Jaycee Tordil ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang krimen dakong alas-4:30 ng madaling araw sa harap ng Everest Lumber sa Barangay Immaculate Concepcion, Quezon City.

Dating magkarelasyon ang biktima at si alyas Joan na ngayo’y karelasyon na ng suspek.

Nabatid na nakarating sa biktima ang relasyon ni alyas Joan at suspek kaya kinompronta ng biktima ang suspek hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.