Default Thumbnail

‘The Jeremy Sabido Story’ sa Magpakailanman

July 2, 2021 People's Journal 869 views

MAPAPANOOD ang nakakatuwa, nakakaiyak at totoong kuwento ni Jeremy at ng kanyang daddy Pepito na gagampanan nina Cris Villanueva at Miguel Tanfelix ngayong Sabado sa long running drama anthology, ‘Magpakailanman,’ hosted by Mel Tiangco on GMA7.

Maayos ang pamumuhay nina Jeremy noon hanggang sa subukin sila ng isang trahedya dahil sa pagkakasakit ng kanyang ina na nagdulot ng pagkamatay nito. Di nagtagal natuon ang atensyon ng kanilang ama sa bagong kinakasama hanggang sa tuluyan na silang napabayaan.

Bata pa noon si Jeremy nang iwan sila ng ama sa isang hotel. Nagpaalam ito na may gagawin lang sa labas ngunit ‘di na bumalik.

Dahil nasa murang edad pa lang, hindi halos malaman ni Jeremy kung ano ang mangyayari sa kanilang magkakapatid.

Di nya inaakalang may taong aampon sa kanila at hindi sila ituturing na iba.

Bukod kina Cris at Miguel, makakasama sa episode ng Magpakailanman na “Ang Pagmamahal ng Isang Amang…Beki! The Jeremy Sabido Story” sina Mel Martinez, Leandro Baldemor, Jude De Jesus, Kyle Ocampo, Mara Alberto, Nicole Donesa, Prince Villanueva, Joshua Jacobe, at Ranty Portento.

Ito ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Neal Del Rosario, mula sa panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos.

AUTHOR PROFILE