Baguhang bida ng ‘Silab,’ mala-Jaclyn Jose — Direk Joel

July 2, 2021 Ian F. Fariñas 751 views

WALANG kaso sa batikan at multi-awarded director na si Joel Lamangan kung baguhan ang dalawa sa mga bida niya sa latest project niyang Silab na magsisimulang mapanood via streaming sa July 9 sa Vivamax.

Sa virtual mediacon para sa nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Cloe Barretto (Miss Teen Earth Philippines 2015 at miyembro ng Belladonnas) at Marco Gomez (mula sa boy group na Clique 5) kasama si Jason Abalos, sinabi ni Direk Joel na sa panahong ito ng kanyang karera, gusto niyang kumuha at magdirek ng mga bagong sibol na artista para naman maka-contribute sa development ng mga hahangaang aktor at aktres sa hinaharap.

Mas masaya umano ang respetadong direktor kung bago ang mga artistang katrabaho na willing matuto.

“Maaga pa lang, sinasabi ko na sa kanila kung ano ang ini-expect ko sa kanila. Tinuturuan ko silang ma-discover ang potential nila bilang aktor at aktres,” diin ni Direk Joel.

Baguhan man si Cloe, nakitaan naman daw ito ng kahusayan ng direktor.

May ibubuga raw ang dalaga pagdating sa pag-arte at hindi takot gawin ang mga kinakailangan para sa mga eksena.

Katunayan, ihinalintulad pa niya ito sa beteranang si Jaclyn Jose na unang nakilala sa pagpapaseksi sa pelikula gaya ng Private Show.

Dahil ang Silab ay kwento ng tatlong puso na mapapaso sa nag-aapoy na pag-ibig, maraming mapangahas na eksena ang tatlong bida tulad na lamang ng pagpapakita ng pubic hair at pwet.

Pero ani Direk Joel, hindi siya ang klase ng direktor na namimilit ng artistang gawin ang maseselang eksena lalo na kung hindi naman kinakailangan sa istorya.

Ang Silab ay mula sa panulat ng multi-awarded scriptwriter na si Raquel Villavicencio at kinunan sa Lian, Batangas at Pampanga.

Nasa cast din sina Lotlot de Leon at Jim Pebanco.

BAGSAKAN NG MALALAKING PAPREMYO AT KILIG FEST SA tv5

ChristineMAGBABAGSAKAN ang malalaking papremyo at lalanggamin ang viewers sa sobrang kilig ngayong Sabado sa magkakasunod na handog ng Viva TV sa mas pinakalakas na Todo Max Weekend line-up ng TV5 mamayang gabi.

Sisimulan ito ng pinakabagong game show na Rolling In It Philippines na hinu-host ng Viva Artists Agency princess na si Yassi Pressman, alas-siyete, kung saan maaaring mag-uwi ng mahigit P2 million ang masuwerteng contestants.

Kasunod nito ang bakbakan ng talino’t abilidad sa The Wall Philippines na pinangungunahan naman ng game master na si Billy Crawford sa bago nitong time slot na alas-otso.

Magsasabog naman ng kilig ang fresh na tambalang Cristine Reyes at Diego Loyzaga bilang sina Selene at Gino, respectively, sa Encounter, ang Pinoy adaptation ng sikat na K-drama, alas-nuwebe.

Ang lahat ng ’yan sa mas pina-solid na weekend block ng TV5.

AUTHOR PROFILE