Ibay

Technician tiklo sa panghahalay ng Grade 12

August 23, 2022 Jonjon Reyes 1742 views

ARESTADO sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Special Mayor Reaction’s Team (SMaRT) ang isang 45-anyos na technician makaraan umanong gahasain ang isang Grade 12 na estudyante sa Tondo, Maynila.

Ang naarestong suspek ay naninirahan sa Yuseco St., Tondo at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law).

Sa ulat ng pulisya, nagtungo sa tanggapan ng District Investigation Division ng MPD-SMaRT ang magulang at ang biktimang itinago sa pangalang “Daisy”, 18-anyos ng nasabing lugar, matapos umanong pagsamantalahan ng suspek nitong nakaraang Lunes, bandang 9:00 ng umaga sa Gagalangin sa Tondo.

Matapos makunan ng salaysay ang dalagita ay agad inatas ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD-SMaRT na magkasa ng operasyon ang mga operatiba sa pamumuno si P/Lt. Edgar Julian, kasama ang ilan nitong tauhan.

Dakong 12:37 ng hapon nitong Lunes, itinuro ng biktima ang suspek na natagpuan sa Winford Manila Resort and Casino sa Consuelo Street, Sta. Cruz, Maynila at agad na inaresto.

AUTHOR PROFILE