Default Thumbnail

‘Tambay’ huli sa improvised na baril sa Tondo

May 20, 2023 Jonjon Reyes 202 views

SWAK sa likod ng rehas na bakal ang isang 29-anyos na “tambay,” makaraang makitaan ng isang improvised na baril sa Tondalo Street, Tondo Sabado ng tanghali.

Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Illegal Possession of Firearm) ang suspek na binata ng Balagtas St., Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Jorge Meneses, commander ng Manila Police District (MPD) Moriones Police Station (PS) 2, bandang 12:30 ng tanghali (Mayo 20), habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO sa direktiba ng MPD director na si P/BGen. Andre P. Dizon sa kanilang nasasakupang lugar ay namataan ang suspek.

Mabilis na inaresto ang binatang suspek at nahulihan ito ng kontrabandong armas.

Ayon naman kay P/Maj. Philipp Ines ng Public Information Office (PIO) ng MPD, nagpasalamat si Dizon sa mga kapulisan ng MPD PS-2 sa Tondo dahil sa maagap at 24/7 operasyon nito kontra krimen at kaayusan.

AUTHOR PROFILE