Default Thumbnail

Bebot tiklo sa buy-bust

May 20, 2023 Jonjon Reyes 213 views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) Jose Abad Santos Police Station (PS) 7 ang isang 42-anyos na babaeng suspek sa kalakalan ng iligal na droga madaling araw nitong Sabado sa Batangas Street, Tondo, Maynila.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Jonathan Villamor, station commander ng nasabing station, patuloy ang ginagawang operasyon ng kanyang mga tauhan sa ipinapairal na programa ni “The Game Changer General” MPD chief P/BGen. Andre P. Dizon ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) at “Oplan Galugad” kung saan bandang 12:05 ng madaling araw (Mayo 20) nang magsagawa sila ng buy-bust operation laban sa suspek.

Nakuhaan umano ang suspek ng mahigit kumulang sa anima na gramo na shabu na nakasilid sa isang malaking plastic sachet na nagkakahalaga ng P40,800.

Ang suspek na residente rin ng nasabing lugar ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11, Article ll ng Republic Act 9165.

Gayunman, ang narekober na droga ay isasailalim sa pagsusuri sa MPD Forensic Unit.

Lubos ang pasasalamat at pinapurihan ni Dizon ang kapulisan ng MPD PS-7 sa pangunguna ni Villamor sa mga operasyon nito kontra iligal na droga.

AUTHOR PROFILE