Default Thumbnail

SWIMMING VIDEO NI JOAQUIN SA SALA UMANI NG SAMU’T SARING REAKSYON

May 6, 2024 Vinia Vivar 68 views

Umani ng samu’t saring reaksyon ang Instagram video ni Dianne Medina kung saan ay makikita ang anak nila ni Rodjun Cruz na si Joaquin na nagswi-swimming sa kanilang living room.

Sa caption ay sinabi ni Dianne na gusto mag-swimming ni Joaquin pero sobrang init sa labas kaya sinabi nito na sa loob ng bahay na lang siya maliligo. Ang ginawa nilang mag-asawa ay inilagay ang inflatable pool sa gitna ng kanilang sala.

“Joaquin wants to swim outside but its so hot and he told me he wanted to swim inside. So ayan nag set up kami ni Daddy Rj ng Mini pool niya.

Kahit nga raw alam niyang mababasa ang kanilang carpet, okay lang ito dahil ang importante ay makapag-enjoy ang kanilang anak.

“At first I was a bit hesitant madudumihan and mababasa ang carpet and all pero naisip ko minsan lang bata si Joaquin gusto ko ma- enjoy niya and ang sala pwede naman patuyuin at linisin ang mga gamit hahaha!

“Same as before nagdrawing siya ng car sa sofa using pentel pen hindi na ko nagalit kasi mapapalitan naman yun haha!” sabi ni Dianne.

“Kung saan ka masaya anak! Mahal na mahal kita,” mensahe pa niya sa anak.

Mapapanood nga sa video na enjoy na enjoy sa paglalaro si Joaquin sa pool at talagang makikita rin na natitilamsikan ng tubig ang kanilang carpet.

Kaya naman umani ng katakut-takot na reaksyon ang post ni Diannee both positive and negative na chill namang sinasagot ng celebrity momshie.

“Goodbye carpet (laughing emoji),” sey ng isang netizen.

Tugon naman ni Dianne, “We can always buy a new one (smiling face emoji) but Joaquin’s happiness hindi ‘yan maibabalik at mabibili.”

Sabi naman ni RR Enriquez, “I love the mentality. Sooooo agree. Ganyan ako kay Ash tapos si frog galit.”

Sagot ng misis ni Rodjun, “Hahahahhaha true ate.”

Komento naman ng isa pang netizen, “Wala naman kayo sa lugar sa pagsunod sa anak nyo!!!”

Cool na reply ni Dianne, “Kanya kanya naman ‘yan (laughing emoji).”

Reaksyon pa ng isang IG user, “Gentle parentinggg (holding back tears, heart hands emojis)”

Ani Dianne, “Ganito kasi kami pinalaki ng mommy and daddy ko napakabait nila.”

Pero in fairness, mas marami kaming nakitang papuri at pagsang-ayon sa ginawa ni Dianne lalo na nga ang mga kapwa-parent na gusto ring makitang masaya ang kanilang mga anak.

AUTHOR PROFILE