Phivolcs

Surigao muling niyanig ng magnitude 5.7 lindol

December 4, 2023 People's Tonight 186 views

ISANG lindol na may lakas na 5.7 ang nagpayanig sa Surigao del Sur nitong Lunes ng umaga, Disyembre 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nangyari ang lindol ng tectonic origin bandang 10:38 ng umaga ayon sa tala ng Phivolcs. Ang epicenter ng lindol ay natukoy 90 kilometro mula sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Sa Tandag City, Surigao del Sur, naitala ang Intensity II batay sa report ng Phivolcs. Walang inaasahang aftershocks mula sa lindol, at hindi rin inaasahan na magdudulot ito ng pinsala.

Ito na ang pangalawang lindol na nangyari sa Cagwait, Surigao del Sur nitong Lunes, matapos ang magnitude 6.8 na lindol na tumama din sa lugar ng madaling araw.

AUTHOR PROFILE