Martin

SPEAKER ROMUALDEZ: LAKAS-PFP MATATAG

May 8, 2024 Chona Yu 83 views

TIWALA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa alyansa sa pagitan ng pinamumunuan nitong Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan naman ng kanyang pinsan na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

“It is an alliance between PFP and Lakas — two of the strongest parties. Lakas comes in with 100-strong members of the House, and PFP comes in with the majority of the local government officials,” ani Speaker Romualdez.

“This is the start of an alliance of two parties,” ayon pa sa pinuno ng Kamara sa isang panayam matapos ang paglagda sa kasunduan sa pagitan ng Lakas-CMD at PFP na ginanap sa Manila Polo Club sa Makati City.

Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagkakaisa na siyang magiging pundasyon ng isang matatag na pwersa sa pulitika sa pamamagitan ng pinagsamang lakas ng legislative at executive ng magkabilang partido para sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Ayon pa sa lider ng Kamara, sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang proseso sa pagbuo ng senatorial lineup na pupunuan ng alyansa para sa nalalapit na midterm elections.

“Many considerations there, we leave it to the collective wisdom of the alliance leadership,” tugon pa ni Speaker Romualdez nang tanungin kaugnay sa mga kwalipikasyon ng senatorial candidates ng alyansa.

Nang tanungin kaugnay sa posibleng pakikipagsanib ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Vice President Sara Duterte sa alyansa, sinabi ng pinuno ng Kamara na mahalagang buksan ang usapin sa konsultasyon kasama ang PFP bago ang gagawing pagpapasya.

“It’s still open for discussion, we will consult with PFP,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara na may higit sa 300-miyembro.

Sinabi rin ni Speaker Romualdez ang posibleng pakikiisa ng iba pang malalaking political parties bagama’t tumanggi munang magbigay ng detalye.

“We will announce it, so we don’t want to preempt,” aniya.

Tinugon din ni Speaker Romualdez ang kaugnay sa posibleng pagsali ng PDP-Laban, na aniya’y “anything is posible” at ang pagiging bukas ng grupo sa iba pang mga nais umanib sa alyansa.

Personal na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang paglagda sa alyansa ng Lakas-CMD President, si Speaker Romualdez, at ni PFP President Reynaldo Tamayo Jr.

Tinawag na “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” ang pagsasanib puwersa ng dalawang Partido.

Ayon kay Speaker Romualdez, nasa 100 miyembro ng Lakas-CMD ang kaalyado na ni Pangulong Marcos.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na layunin ng alyansa ng dalawang grupo na isulong ang transformation sa bansa. Magagawa ito kung magtutulungan aniya ang sangay ng ehekutibo at lehislatura.

“We mark today a significant moment not just for Philippine politics, but also for the field of public service, as members of both parties formalize and build an alliance that will propel our country towards the Bagong Pilipinas that we envision,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Isinulong din ni Pangulong Marcos ang pagkakaisa.

“Kailangan paalala natin sa ating mga sarili kung bakit natin ginagawa ito. Ginagawa natin ito dahil kailangan natin ang pagkakaisa. Kailangan natin ang pagkakaisa dahil ito ang tanging solusyon sa mga suliranin na hinaharap ng lipunan ng Pilipinas, kaya’t iyan ang patuloy natin na ipaglalaban, iyan ang patuloy natin ang — na isasabuhay natin, iyan ang patuloy na ating pangako at sumpa para tulungan ang bawat, bawat Pilipino,” pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE