Martin1 ALYANSA – Nagbigay ng mensahe si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Partido Federal ng Pilipinas at Lakas-CMD Alliance Signing na ginanap sa Manila Polo Club sa Makati City, Miyerkules. Sinabi ni Speaker Romualdez na magkakaroon ng “more dynamic, more proactive government” bunsod ng “Alyansa para sa Bagong Pilipinas” ng Lakas-CMD at PFP. Photo ni VER NOVENO

LAKAS-CMD, PFP NAGSANIB-PWERSA

May 8, 2024 People's Tonight 113 views

Para sa pagsulong ng Bagong Pilipinas

NAGSANIB-puwersa ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ang pinakamalaking political party sa Kamara de Representantes, at ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) upang itaguyod ang kabutihan ng mamamayan sa ilalim ng programang Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Martin4Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda sa kasunduan para sa alyansa ng Lakas-CMD at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez (Lakas-CMD President) at Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. (PFP President), Miyerkules sa Manila Polo Club sa Makati City. Lumagda rin sa kasunduan sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe (Lakas-CMD Executive Vice President), Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. (Lakas-CMD Chairman), Special Assistant to the President Secretary Antonio “Anton” Lagdameo (PFP Executive Vice President), at Senior Deputy Majority Leader Alexander Ferdinand Marcos (PFP Vice Chairman).

Ayon sa presidente ng Lakas-CMD na si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, bukod sa pagtataguyod ng Bagong Pilipinas, ang alyansa ay magiging katuwang din sa socio-economic roadmap ng administrasyong Marcos.

“We aim to advocate and pursue measures that will sustain the country’s economic development, attract more foreign investments, create more job and income opportunities, build up food supply, and in general, improve the lives of our people,” ani Romualdez.

Sinabi ng mambabatas na ang Lakas-CMD-PFP alliance ay tugma sa layunin ni Pangulong Marcos na pag-isahin ang iba’t ibang sektor ng bansa.

“Unity of aspiration and purpose can propel us to economic advancement,” ayon pa sa lider ng Kamara.

Sa ilalim ng “Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas” ng Lakas-CMD at PFP ay itataguyod ang serbisyo publiko ng may higit na integridad, katapatan, pananagutan, pakikibahagi ng mamamayan, epektibong pamamahala at kahusayan, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang layunin at pagpapahalaga sa kabutihan ng bayan at pagunlad ng ekonomiya.

Gayundin, ang pagbibigay ng gabay at pamumuno sa bansa na makamit ang patuloy at pangmatagalang kaunlaran at pagkilala na makakamit ang hangarin sa pamamagitan ng pagtutulungan sa iisang mithiin.

“In view of the shared vision of the PFP and Lakas-CMD, the parties have agreed to forge their alliance that will pave the way for strength and continued positive change for the country to usher in a Bagong Pilipinas,” pagbibigay diin pa ng alyansa.

Tiniyak din ng dalawang partido ang pakikipagtulungan sa administrasyon upang makamit ang pangarap at layunin ng administrasyon ng Pangulong Marcos Jr.

Ang kasunduan ng pagsasama ng dalawang partido bilang isang alyansa ay nilagdaan ni Speaker Romualdez at PFP President Reynaldo Tamayo Jr. na sinaksihan ng punong ehekutibo.

Lumagda rin sa kasunduan sina House Senior Deputy Majority Leader and PFP vice chairman Ferdinand Alexander Marcos, PFP executive vice president Antonio Lagdameo Jr., Lakas-CMD chairman Sen. Ramon Revilla Jr. at Lakas-CMD executive vice president at House Majority Leader Manuel Jose Dalipe.

AUTHOR PROFILE