Si Mayor Toby Tiangco at ang kampanya sa kalikasan

May 22, 2021 Marlon Purification 174 views

WALANG duda, ramdam na sa buong mundo ang climate change. Kaya nga kung anu-anong programa, proyekto at patakaran na ang ipinatutupad para lamang masagip ang inang kalikasan.

Isa na rito ang pamahalaang lokal ng Navatos na kamakailan ay nakipagkasundo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine Coast Guard (PCG) para sa partnership upang iangat pa ang kalidad ng tubig sa Manila Bay.

Lumagda sa isang kasunduan sina Navotas Mayor Toby Tiangco; DENR-National Capital Region Executive Director, Jacqueline Caancan; at DENR–Environmental Management Bureau-NCR Bureau Director and concurrent Regional Director, Engr. William Cuñado.

Kasama rin sa signatories sina PCG-Coast Guard District, NCR-Central Luzon Commander, Commodore Charlie Rances at PCG-Maritime Safety Services Commander, Vice Admiral Eduardo Fabricante.

Para kay Tiangco, malaking bagay ang pagtutulungan para sa mas epektibong mga hakbangin para sa kalikasan.

“We welcome this partnership with the DENR and the Coast Guard. Working together is always better than working alone. We are grateful that even with the pandemic, the program to clean and rehabilitate Manila Bay remains a priority,” pahayag ng alkalde.

“We hope that through this initiative, we will soon realize our common goal of restoring the waters surrounding the city to a classification fit for fishing, swimming and other recreational water activities,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng MOA, maglalagay ang DENR-EMB-NCR ng Water Quality Monitoring Equipment (WQME) malapit sa coastline ng Bgy. Tanza 1 upang ma-monitor ang water quality sa Manila bay.

Sasagutin din ng ahensya ang lahat ng gastusin sa monitoring equipment at installation, gayundin ang operating expenses ng istasyon.

Magsasagawa rin ng regular inspection sa monitoring station, at ibibigay ang datos sa ibang panig bukod sa pagsasagawa ng orientation sa paggamit at operasyon ng WQME.

Papel naman ng Navotas ang pagbibigay ng ‘go signal’ sa installation ng water quality monitoring station sa coastline ng mga barangay, gayundin ang patuloy na operasyon at maintenance of ng site.

Magbibigay tulong din ang city government sa security ng monitoring station habang papayagan ang pagpasok ng mga authorized representatives na susuri sa equipment.

Epektibo ang kasunduan sa loob ng 10 taon at maaari itong mai-renew depende sa pangangailangan.

Matatandaan nito lamang Marso, tumanggap din ang Navotas ng recognition bilang 2020 Most Compliant Local Government Unit sa pagpapatupad ng continuing mandamus ng Supreme Court para sa cleanup at preservation ng Manila Bay.

Sa ganang akin, maganda at napapanahon ang kasunduang ito ng Navotas LGU, DENR at PCG.

Maaaring sa iba ay maliit na bagay lamang ito, ngunit napakalaking tulong ang ganitong uri ng kampanya para sagipin ang nakaaawang sitwasyon ng ating kalikasan.

Ang nakatutuwa lang sa administrasyon ni Toby, alam nating lahat na maliit lamang ang kanyang bayan. Pero lahat ng makabuluhang proyekto ay siguradong ipinatutupad ng masipag na alkalde.

Dati, lubog sa tubig baha ang Navotas pero dahil sa maayos na pamamahala ni Tiangco, wala na ito ngayon.

Kaya ‘nga gayun na lang ang ating paghanga sa kanya, gayundin ang paghawak niya sa sitwasyon ng pandemya likha ng COVID-19.

Sana lang, gayahin pa siya ng iba pang LGU, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Bata mo ko, Boss Toby!