Posas

Traffic enforcer na rape suspek nahuli

April 26, 2024 Jojo C. Magsombol 66 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nahuli noong Martes ng mga pulis ang traffic enforcer na umano’y wanted dahil sa kasong panghahalay sa Brgy. Hagonoy, Taguig City, ayon sa report ni Batangas police director P/Col. Samson Belmonte kay Police Regional Office (PRO)-4A chief P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas.

Sinabi ni Lemery police chief P/Lt. Col. Ronie Ibarra Siriban na 42-anyos ang suspek at residente ng Brgy. Tuktukan, Taguig City.

Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa krimeng panggagahasa na inisyu ng executive judge ng Regional Trial Court Region IV, Branch 5 ng Lemery, Batangas.

Dinala sa Batangas Provincial Hospital para sa pisikal na pagsusuri ang suspek at ngayo’y nasa kustodiya na ng mga pulis.

AUTHOR PROFILE